Thursday, October 17, 2013

LESSON PLAN 3

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikatlong Baitang (Wika-Unang Araw) Marnelli C. Lastimoso Ika-20 ng Setyembre, 2011 (Gurong Nagsasanay) (Petsa) I. Mga Layunin Sa tulong ng mga kasanayan, kwentong bayan at kagamitang pampagtuturo ang mga mag-aaral na may 80% tagumpay ay inaasahang: A. Nakapagbibgay sa wastong pandiwang gagamitin; B. Nakasasagot sa mga tanong na ibibigay; at C. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang pandiwa. II. Paksa: Pandiwa Mga Sanggunian: 1. Pluma 3 ni Alma Dayag 186-188 2. Tanglaw 3 nina Lemi D. at Lemi L. 3. Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3 nina Aragon A. at Valenzuela A. Mga Kagamitan: istrapa ng mga salita, ginupit na titik, mga larawan, tsart Konsepto: Wastong paggamit ng Pandiwa III. Estratehiya/Pamamaraan: A. Baybay – Supervised Study Ang guro ay magpapalit ng tsart na napasallob ditto ang mga pangungusap na ginagamitan ng mga pandiwang angkop na gagamitin. B. Bagong Aralin: 1. Panimulang Gawain: 1.1. Paghahanda/Pangganyak Magpapakita ang guro ng mga larawan at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang pandiwang ginamit. Hal: Umaawit nagwawalis sumasayaw Mga Katanungan: 1. Ano ang ipinakita sa mga larawan? 2. Ano ang pandiwang isinasaad? 1.2. Paglalahad ng Aralin Ilalahad ng guro ang aralin sa tulong ng isang pangyayari o pasalaysay na kwento. Pamilyang Kayganda Nakaupo sa isang silid ang aking ama habang siya ay nagbabasa. Ang aking ina na nagluluto ng ulam sa kusina. Ang aking kuya na nanonood ng telebisyon sa sala at ang aking ate na gumagawa sa kanyang mga proyekto, samantalang ako ay nakatayo sa may bintana. Nakita ko sa bintana ang mga batang naglalaro ns sipa. Tuwing lingo ay sabay-sabay kaming dadalo sa simbahan upang magdasal. Dito nabigyan namin ang kinakailangan ng isat-isa. Nasabi ko sa sarili ko na ako ang pinakamaswerte na bata sapagkat ang aking pamilya ay napakaganda. Mga Katanungan: 1. Ano ang kilos na binabadya sa unang pangungusap? 2. Ano ang tawag sa mga salitang kilos? 3. Masaya ba ang persona sa kanyang buhay? 1.3. Panlinang na Gawain: 2.1. Pagtatalaky ng Aralin: Ipabasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga sinalungguhutang salita. Nakaupo nakatayo nagsasaing Nagbabasa nakita nasabi Nagluluto naglalaro nanonood Gumagawa dadalo Magdaragdag din ang guro ng iba pang mga salita na wala sa tekstong nabasa. Kumakanta kumakain nagsasaing Nagsisipilyo nakahiga tinikman Naglalaba nagwawalis nagdudura Mga katanungan: 1. Ano ang tawag ng salitang nasa ibabaw? 2. Ano ang isinasaad nito? 3. Ano ang kahalagahan nito? Habang ibinibigay ang sagot sa bawat katanungan ay ibibigay ng guro ang mga dapat tandaan ng mga mag-aaral. 2.2 Mga Pagsasanay A. Bilugan ang pandiwang ginamit sa mga pangungusap. 1. Tuwing lingo ay sumisimba ang pamilya namin. 2. Maraming pamilya ang nakakasabay rin namin sa pagsisimba. 3. Makikita rito ang matibay na pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos. 4. Nagpupunta kami sa bahay ng lolo pagkasimba. B. Anong pandiwa ang magaganap sa mga sumusunod? Isulat ang sagot sa patlang. 1. May hawak na mikropono si Estella. Isinalang ang CD ng paboritong awitin. Si Estella ay ________. 2. Kumuha naman ng aklat ang kapatid niyang si Henrey. Binuklat niya ito. Si Henrey ay _________. 3. Naglabas ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso si ate. Inilabas ni ate ang pagkain. Tinawag niya ang lahat. Sila ay _______. 4. Bago naupo ay tumahimik muna ang lahat. Yumuko at nag-aatanda. Sila ay ________ bago kumain. IV. Takdang Aralin Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at isulat sa kalahatang papel. 1. Si Dave ay naglalaro ng chess. 2. Sumasayaw ang mga dahon. 3. Ang mga paru-paro ay lumilipad. 4. Naglalakad ang mga bituin. 5. Kumakanta ang mga ibon. Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikatlong Baitang (Wika-Ikalawang Araw) Marnelli C. Lastimoso Ika-20 ng Setyembre, 2011 (Gurong Nagsasanay) (Petsa) I. Mga Layunin: Pagkatapos ng pagtatalakay at pagbabahagi ng mga kasagutan tungkol sa paksa, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nakasasagot sa takdang aralin; B. Nakapagbibigay sa tamang kasagutan sa mga katanungan; C. Nakagagawa ng pangungusap gamit ang pandiwa; at D. Nagagamit sa pangungusap ang pandiwa. II. Paksa: Pandiwa Mga Sanggunian: 1. Pluma 3 ni Alma Dayag 186-188 2. Tanglaw 3 nina Lemi D. at Lemi L. 3. Bagong Pilipino sa Salita at Gawa 3 nina Aragon A. at Valenzuela A. Mga Kagamitan: istrapa ng mga salita, ginupit na titik, mga larawan, tsart Konsepto: Wastong Paggamit ng Pandiwa III. Estratehiya/ Pamamaraan: A. Balik-aral: Nagkaroon ng pagtatalakay tungkol sa pandiwa.. binigyang bahagya ang paggamit nito sa pangungusap. Tungo sa mga halimbawa ay mabibihasa ito. B. Bagong Aralin 3.1 Ipasagot ang takdang aralin: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at isulat sa kalahatang papel. 1. Si Dave ay naglalaro ng chess. 2. Sumasayaw ang mga dahon. 3. Ang mga paru-paro ay lumilipad. 4. Naglalakad ang mga bituin. 5. Kumakanta ang mga ibon. 3.2 Pagbibgay tuntunin sa wika: Ang paggamit ng pandiwa sa isang pangungusap. 3.3 Pagbibigay Halimbawa Magbigay ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng pandiwa. 3.4 Pakikipagtalastasan Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Gumawa ng isang dialogo na ginagamitan ng pandiwa. 3.5 Pagtataya a. Sa isang buong papel, gumawa o sumulat ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng pandiwa. b. Ang guro ay maghahanda ng mga pangungusap na ginagamitan ng pandiwa at sagutan ang mga katanungang tinatanong ng guro. IV. Takdang Aralin: Bumuo ng isang patalastas o dialogo na ginagamitan ito ng pandiwa. Isulat ito sa ians kapat ng illustration board.